Ang pinakamababang puhunan ay tataas, Ang Targeted Employment Area Designation ay babaguhin
Sa blog na ito, nais naming i-ulat ang inaasam na panuntunan ay ilalathala bukas ika-24 ng Hulyo at magiging epektibo sa Nobyember 21, 2019.
Ang U.S. Citizenship and Immigration Services (USCIS) ay nagpahayag ng panibagong pag-unlad sa ilalim ng huling panuntunan kasama ang:
Pagtataas ng mga pinakamababang halaga ng puhunan Epektibo sa petsa ng huling panuntunan, ang batayan na pinakamababang lebel ng puhunan ay tataas mula sa $1 milyon hanggang $1.8 milyon, ang kauna-unahang pagtaas mula 1990, dahil sa inflation. Pinananatili ng pamantayan ang 50% na pinakamababang puhunang diperensyal sa pagitan ng TEA at non-TEA, dahilan upang tumaas ang pinakamababang puhunan sa TEA mula $500,000 hanggang $900,000. Ang huling pamantayan ay nagsasaad na ang pinakamababang halaga ng puhunan ay awtomatikong aayon sa inflation kada limang taon. Pagbabago sa Pamantayan ng tiyak na pagtatalaga ng targeted employment area (TEA) Ang huling pamantayan ay nagbabalangkas ng pagbabago sa EB-5 programa upang pagtuunan ng pansin ang gerrymandering sa mga lugar na mababa ang bilang ng trabaho (nangangahulugan ng sadyang manipulasyon sa hangganan ng halalan sa electoral). Ang gerrymandering sa mga lugar na iyon ay tipikal na isinasakatuparan sa pamamagitan ng pagsasama ng mga serye ng census tracts upang pag-ugnayin ang mga lugar na may maunlad na proyekto at mahirap na komunidad upang magkamit ng kwalipikadong average rate ng trabaho. Pagbibigay ng responsibilidad sa ahensya upang direkta na mamahala sa TEA designasyon Ayon sa epektibong petsa ng huling panuntunan, tatanggalin ng DHS ang abilidad ng mga estado na magtalaga ng tiyak na heograpiya at politikal na subdibisyon sa mga lugar na mababa ang bilang ng trabaho; sa halip, ang DHS ay direktang magtatalaga base sa bagong kinakailangan sa regulasyon na naglilimita sa komposisyon ng mga census tract-based Ang mga pagbabagong ito ay makakatulong upang matiyak ang patas na designasyon alinsunod sa intensyon ng konggreso na iderekta ang mga puhunan sa mga lugar na nangangailangan. Paglilinaw ng USCIS pamamaraan sa pagtanggal ng mga kondisyon sa permanenteng paninirahan Binago ng panuntunan ang mga regulasyon upang linawin na ang mga tiyak na deribatibong miyembro ng pamilya na permanenteng residente ay dapat na mag-isang magsumite upang maalis and kondisyon sa kanilang permanent residency. Ang mga kinakailangan ay hindi angkop sa mga miyembro ng pamilya na kasali sa petisyon ng prinsipal na mamumuhunan upang maalis ang mga kondisyon. Pinapabuti ng panuntunan ang proseso sa pag-alis ng mga kondisyon sa pamamagitan ng pag-bigay ng angkop na USCIS proseso sa pagbibigay ng Green Card. Pagpapahintulot sa EB-5 Visa petisyoner na panatilihin ang kanilang priority date base sa ilang batayan: Ang huling panuntunan ay nagaalok din ng mas higit na kakayanan sa mga imigranteng mamumuhunan na naunang naaprobahan ng EB-5 petisyon. Kapag kailangan nila magsumite ng panibagong EB-5 petisyon, maaari nilang mapanatili ang priority dategn naunang aprobadong petisyon, sa ilalim ng ilan eksepsyon.
Ang pangunahing tagapagtaguyod ng EB-5 industriya, Invest in the USA (IIUSA), ay nagsaad na ang IIUSA ay susubaybayan ang regulasyon ng huling hakbang at susuriin ang teksto. Gusto nila makasiguro na maisaulo ng miyembro na sa loob ng 120 araw bago maging epektibo ang regulasyon, ang kasalukuyang programa ay maaaring mapahintulutan kasama ang bago at positibong reporma na gagawin ang bagong regulasyon bilang moot vis-à-vis (bago) reauthorization statute.
Ano ang aming rekomendasyon? Kung meron kang pinansyal na kakayahan at gustong mamuhunan sa EB-5 para sa kinabukasan mo o ng iyong pamilya – huwag ng mag hintay pa. Walang pakinabang ang paghihintay. Huwag magpaliban! Maaaring ito ay ang iyong huling pag-asa; maaaring ito ana ang huling panawagan!! Ang mga potensyal na mamumuhunan na seryoso at gustong samantalahin ang EB-5 programa ay dapat nang kumilos ngayon din bago pa maging huli ang lahat.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa EB-5, tumawag sa + 1 917 355 9251 o sumulat sa info@americaeb5visa.com.
Inilathala ng americaeb5visa on July 23, 2019